Pangulong Marcos, pursigidong gawing moderno ang transportasyon sa bansa

Pursigido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gawing mas episyente ang sistema ng transportasyon sa Pilipinas.

Sa Indo-Pacific Business Forum, aminado si Pangulong Marcos na marami pang kailangang gawin para maging smart at sustainable ang transportasyon sa bansa.

Pero hindi naman aniya tumitigil ang gobyerno para maisakatuparan ang mga programa at proyektong magpapabuti ang sektor ng transportasyon.


Sa katunayan, mayroon na aniyang National Transport Policy ang administrasyon na pinatutulungang maipatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at National Economic and Development Authority (NEDA).

Ibinida rin ng pangulo ang pamumuhunan sa mga kalsada at railways, maging sa mga pantalan at paliparan.

Tinitingnan rin anya ng pamahalaan ang makabagong mga teknolohiya sa transport system sa pamamagitan ng investments at partnerships.

Facebook Comments