MANILA – Pinangunahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagpapailaw sa mahigit 2,684 Sitios sa tatlong lalawigan sa Central Visayas.Sa kaniyang talumpati – ipinagmalaki ni PNoy ang pagpapailaw ng 2,684 Sitio sa ilalim ng Sitio Electrification Program na pinangunahan ng Department of Energy, National Electrification Administration, at ng mga Electric Cooperatives.Giit ni PNoy – pitong electric cooperatives ang magsusuplay ng koryente sa Bohol, Cebu at siquijor para sa pagpapaunlad ng ekonomiya at turismo sa rehiyon.Sa katunayan aniya – nasa 32,026 na Sitio o 98.72 percent ng kabuuang target ang napailawan na ng administrasyon.Sinabi naman Energy Sec. Zenaida Monsada, ang Sitio Energization Program ay pinondohan ng Administrasyong Aquino ng halagang P1.127 Billion.Simula 2011 hanggang January 2016, nagkaroon na ng ilaw ang may 2,097 Sitios sa Cebu, 469 Sitios sa Bohol at 118 Sitios sa Siquijor.Inaasahang masusuplayan ng koryente ang 31,253 kabahayan sa tatlong lalawigan.
Pangulong Noynoy Aquino – Pinangunahan Ang Pagpapailaw Sa Mahigit 2,500 Sitios Sa Tatlong Lalawigan Sa Central Visayas
Facebook Comments