Pangulong Rodrigo Duterte, aminadong may pag-aalinlangan sa alternative learning na isinusulong ng DepEd

Hindi isandaang porsyentong kumpyansa si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong ng Department of Education (DepEd) na alternative learning sa mga mag-aaral ngayong darating na pasukan.

Sa kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na maganda ang mungkahi ni DepEd Secretary Leonor Briones pero may pag-aalinlangan kung kakayanin na ito ng bansa.

Ayon sa Pangulo, kaya naman ng budget ng gobyerno kung kaya’t ipinapupursige niya sa DepEd ang pagbili ng mga kakailanganing gamit ng mga guro at mga estudyante.


Pero ayon sa mga magulang, problema ang dagdag gastos para bumili ng gadgets tulad ng laptop o computer na gagamitin ng kanilang mga anak at dagdag gastusin din sa panig naman ng mga guro.

Kabilang sa mga paraan na gustong ipatupad ng DepEd para sa pag-aaral ng mga bata ngayong taon ay ang online learning o flexible learning.

Maliban sa computer at laptop, isa sa inihahandang paraan ng ahensya ay ang printed modules na syang ide-deliver sa mga bahay ng mga bata at pasasagutan ito sa kanila maging ang paggamit ng telebisyon at radyo sa mga komunidad.

Una nang sinabi ng Pangulo na hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19 ay walang mangyayaring face to face learning.

Facebook Comments