Batang tumalon sa isang gusali sa China, nakaligtas matapos gawing parachute ang dalang payong

23

World – Nakaligtas ang isang batang lalaki matapos siyang tumalon mula sa ika-sampung palapag ng isang gusali sa pamamagitan ng payong bilang parachute.

Sa ulat, ginawa ito ng bata dahil nakita niya na ginawa ito ng isang cartoon character na napanoon niya.

Nagtamo ng matinding sugat ang bata, pero wala namang naging banta sa kaniyang buhay pagkatapos siyang lapatan ng lunas.

Maraming insidente na ang naitala sa China kung saan matinding nasusugatan ang mga bata matapos gayahin ang mga napapanood nila sa telebisyon.

Facebook Comments