MANILA – Dadalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Cambodia at Singapore sa susunod na Linggo.Magsisimula ang state visit ng Pangulo sa December 13 hanggang 16 (Martes hanggang Biyernes).Ayon kay Foreign Affairs Asec. Charles Jose, bahagi ito ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas sa mga kalapit-bansa sa larangan ng trade, investments at regional security.Posible rin aniyang mapag-usapan ni pangulong Duterte at Cambodian Prime Minister Hun Sen ang usapin tungkol sa South China Sea.Samantala, asahan na rin aniya ang pagbuti ng kooperasyon sa larangan ng kalakalan at security sa pagbisita naman ng Pangulo sa Singapore.Dagdag pa ni Jose, magkakaroon ng bilateral talks sina Pangulong Duterte at Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong.Ang pagbisita aniya ng Pangulo sa Cambodia at Singapore ay magiging pagkakataon na rin para kumustahin ang kalagayan ng mga Pilipino sa mga nabanggit na bansa.
Pangulong Rodrigo Duterte, Bibisita Sa Cambodia At Singapore Sa Susunod Na Linggo – Pagpapalakas Sa Larangan Ng Trade, I
Facebook Comments