Pangulong Rodrigo Duterte, binweltahan si Magdalo Rep. Gary Alejano; Magdalo Partylist Group, tinawag na duwag

Manila, Philippines – Masayang ipapadala ni Pangulong Rodrigo Duterte si Magdalo Rep. Gary Alejano sa unang batch ng mga Pilipinong gustong angkinin ang Spratly Islands at makipaglaban sa China.

 

Reaksyon ito ni Pangulong Duterte sa balak ni Alejano na maghain ng supplemental complaint hinggil sa Benham Rise, maliban sa nauna nitong inihaing impeachment complaint laban sa Pangulo sa Kamara.

 

Pinatutsadahan din ni Pangulong Duterte si Alejano at ang Magdalo group na nagtapang-tapangan noong nagsagawa sila ng mutiny sa Makati City pero naduwag kinalaunan.

 

Sabi pa ng Pangulo, walang karapatang magsalita tungkol sa katapangan ang grupo ni Alejano dahil wala namang nagawa ang mga ito kundi magdala lang ng kahihiyan.

 

Dapat din aniyang mahiya ang grupo ni Alejano sa taumbayan dahil ginulo nila noon ang payapang lungsod, nagtanim ng mga bomba pero natakot namang manindigan at sumuko rin matapos mang-agaw ng hotel.

Facebook Comments