Pangulong Rodrigo Duterte, bukas sa muling paggamit ng Dengvaxia

Bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa muling paggamit ng dengvaxia vaccine kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng dengue cases sa bansa.

 

Sa isang ambush interview sa Malacañang sinabi ng pangulo na kailangan lamang matiyak na ligtas ang paggamit sa nasabing bakuna kontra dengue.

 

Aniya, kailagang dumaan sa masusing pagsusuri kung sakali mang magdesisyon ang pamahalaan na muling gamitin ang dengvaxia.


 

Una nang sinabi ni Health Sec. Francisco duque III na magdedesisyon sila sa susunod na dalawang linggo kung muling gagamitin ang dengvaxia bilang bakuna sa dengue.

 

Sa pinakahuling tala ng DOH umaabot na sa 146,062 ang dengue cases sa bansa kung saan 622 na ang nasawi.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments