Reward sa makakapagturo sa mga suspek na pumatay sa apat na pulis sa Negros, itinaas sa P6 milyon

100

Itinaas pa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa anim na milyong piso ang pabuya para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek na brutal na pumaslang sa apat na pulis sa ayungon, Negros Oriental.

 

Sa kaniyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong promote na mga pulis sa Malacañang, sinabi ng pangulo na nais niyang mahuli ang mga suspek buhay man o patay.

 

Aniya, bibigyan rin niya ng dagdag na P500, 000 ang sinumang makakapagdala sa kaniya ng ulo ng mga suspek.

 

Una nang itinaas ni Duterte sa P5 milyon ang reward money sa mga suspek na sinasabing mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

 

Maliban pa ito sa P100,000 pabuya para sa sinumang makapagtururo sa iba pang personalidad na may partisipasyon sa pagpatay sa apat na pulis.

Facebook Comments