Dapat isipin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang presidente ng Pilipinas at hindi lamang ordinaryong mamamayan kahit tumatanaw siya ng utang na loob sa China.
Ito ang sinabi ng political analyst na si Dr. Clarita Carlos sa interview ng RMN Manila sa gitna ng patuloy na pagpanig sa China ng Pangulo.
Ayon kay Dr. Carlos, naiintindihan naman niya na malaki ang utang na loob ng Pangulo sa China dahil sa kaniyang pagpapagamot doon gamit ang traditional Chinese Medicine.
Bukod pa rito ay hindi rin aniya lingid sa kaalaman ng publiko na isang building sa Fujian University sa China ang ipinangalan sa kaniyang ina na si Soledad Roa Duterte pero hindi ito dahilan para isa-walang bahala na lamang ang ating karapatan.
Matatandaang sa talk to the nation ni PANGULONG duterte ay itinanggi niya na nangako siyang babawiin ang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.