MANILA – Ipinagtanggol ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pag-reinstate nito kay Senior Supt. Marvin Marcos bilang director ng CIDG region 8.Ayon kay Arroyo, wala naman siyang nakikitang mali sa naging desisyon ni Pangulong Duterte na ibalik sa puwesto si Marcos.Paliwanag pa ng Kongresista, prerogative ni Pangulong Duterte ang naturang hakbang dahil siya ay commander-in-chief.Aniya, bilang dating Presidente, may mga impormasyon silang hawak na sila lamang ang nakakaalam na siyang basehan naman daw sa mga kontrobersyal na desisyon.Kaugnay nito, iginiit ni Arroyo na hindi dapat husgahan si Pangulong Duterte sa reinstatement ni Marcos.Matatandaang si Marcos ay ni-relieve sa puwesto matapos ikanta ng drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa na tumatanggap ng drug money mula sa kanya.
Pangulong Rodrigo Duterte, Dinipensahan Ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo Hinggil Sa Pag-Reinstate Kay Senior Supt. Marvin
Facebook Comments