Pangulong Rodrigo Duterte, Dumalaw na dito sa Lalawigan ng Isabela!

Cauayan City, Isabela – Dumating dito sa lalawigan ng Isabela si pangulong Rodrigo Duterte upang personal na alamin ang sitwasyon at ang naging epekto ng bagyong ompong.

Sa pahayag ng Presidential Communication Operations Office o PCOO, nais umano ng pangulo na masaksihan ang naging epekto ng bagyong ompong sa lalawigan ng Isabela.

Unang nagtungo ang pangulo sa 5th Infantry Division Philippine Army upang makausap umano ang mga sundalo sa pangunguna ni Major General Perfecto Rimando Jr.


Kaugnay nito iprinisinta sa pangulo ang mga nagbalik loob na mga rebeldeng NPA kamakailan maging ang baril at mga pampasabong na narekober sa mga naganap na bakbakan ng militar at NPA.

Makikipag-usap rin ang pangulong Duterte sa mga opisyal ng Isabela sa pangunguna ni Governor Faustino “Bojie” Dy III upang iparating ang matinding pinsala ng bagyong ompong sa lalawigan.

Magugunita na sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit tatlong bilyong piso ang iniwang pinsala ng bagyong ompong sa mga agricultura at imprastractura dito sa lalawigan ng isabela.

Facebook Comments