Gagamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakataon upang ipahayag ang principle position ng Pilipinas sa iba’t ibang usapin
Ito ang bingiyan diin ngayon ni Chief of Presidential Protocol Robert Borje kaugnay sa kauna-unahang pagharap ni Pangulong Duterte sa 193 member-states ng United Nations General Assembly para sa gagawing high level general debate.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Borje na alam ng Pangulo na hindi kaya ng bansa na mag-isa, kaya kinikilala nito ang United Nations bilang world’s biggest platform upang ipahayag ang principle position ng Pilipinas sa iba’t ibang usapin.
Partikular na ipapahayag ng Pangulong Duterte ang principle position ng Pilipinas sa rule of law, isyu sa South China Sea, peace and security, terrorism, justice at human rights.
Tatalakayin din ng pangulo ang usapin sa COVID-19, geopolitical developments sa ASIA Pacific, sustainable development, climate change, kalagayan ng migrant workers at refugees pati na ang peacekeeping at United Nations reforms.
Ang Pangulo ay pang 12 mula sa 14 na speaker na sasalang mamayang alas nuwebe ng gabi, oras sa Pilipinas.
Ngayong taon, nagdiriwang ang UN ng kanilang ika-75 anibersaryo na may temang “The future we want, the United Nations we need: reaffirming our collective commitment to multilateralism – confronting COVID-19 through effective multilateral action.”
Matatandaang makailang beses nang nagbanta si Duterte na magwi-withdraw na ang Pilipinas sa membership sa UN Human Rights Council dahil sa pakikialam sa kanyang anti-drug war campaign na nauwi na umano sa extrajudicial killings.