DILG, tiniyak na magkakaroon ng patas na imbestigasyon kay PNP Chief Oscar Albayalde

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na bibigyan ng patas na imbestigasyon si PNP Chief, Police General Oscar Albayalde.

Ito’y dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa kontrobersiya ng Drug Recycling sa isinagawang Buy Bust Operation sa Pampanga noong 2013.

Ayon kay DILG Spokesperson, Usec. Jonathan Malaya, mahalagang maprotektahan ang kredibilidad ng pulisya.


Giit pa ni Malaya, hiwalay ang gagawin nilang imbestigasyon.

Posibleng i-anunsyo ni DILG Sec. Eduardo Año ang kanilang hakbang sa imbestigasyon pagbalik niya mula sa Russia.

Facebook Comments