Pangulong Rodrigo Duterte, ginawaran ng Order of Lapu-Lapu ang mga descendant nina Marcelo H. del Pilar at Gen. Gregorio del Pilar

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu ang mga kaapu-apuhan o descendants nina General Gregorio del Pilar at Marcelo H. del Pilar sa ginanap na aktibidad sa Malolos, Bulacan kaugnay ng 123rd Anniversary ng Araw ng Kalayaan.

Ito’y bilang pagkilala ng pangulo sa ekstraordinaryong naiambag ng angkan ng mga del Pilar sa pagtatag ng pundasyon ng Republika ng Pilipinas.

Hinikayat ni Duterte ang sambayanang Pilipino na sundan ang yapak ng mga bayani sa pamamagitan ng paggawa ng maliliit na kabayanihan lalo pa’t humaharap ang bansa sa pakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.


Pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog nina Marcelo at Gregorio del Pilar sa Capitol Grounds sa Malolos, Bulacan.

Nagkaroon ng maliit na aksidente kanina ng muntik nang ma-off balance ito nang hahakbang sa isang maliit na platform o tuntungan. Mabuti na lang ay agad siyang naalalayan ng mga tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

Nasa mabuting kondisyon naman na ang pangulo.

Facebook Comments