Pangulong Rodrigo Duterte, handang isiwalat ang mga umano’y tagong bank accounts ni Senator Antonio Trillanes

Manila, Philippines – Pinaghahanda na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Antonio Trillanes para sa kanilang pasabog laban dito.

Sa kanyang talumpati sa 26th anniversary ng Mindanao Business Conference sa Cagayan De Oro City, sinabi ng Pangulo na isasapubliko niya sa mga susunod na araw ang mga itinatanggong bank accounts ni Trillanes sa labas ng bansa.

Sabi ng Pangulo mayroong itinatagong bank deposits si Trillanes sa Hong Kong, Australia at sa Amerika.


Muli ring tinawag na duwag si Trillanes at puro lang bintang lang ang kaya nitong gawin sa first family.

Pero kaagad namang pumalag si Trillanes at sinabing fake news ang isiniwalat ng Pangulo.

Sa inilabas na pahayag ng senador, sinabi niyang sinungaling si Pangulong Duterte at hinamon niya rin ang Presidente na ilabas kaagad ang buong detalye sa sinasabi nitong offshore joint accounts.

Tiniyak naman ng senador na handa siyang pumirma ng waiver para malaman ang katotohanan.

Facebook Comments