Tattoo ng Pangulo, ipinakita

Manila, Philippines – Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang kanyang tattoo na rosas sa kanang braso nito.

Sa itaas ng nasabing rosas na tattoo ay may isa pang tattoo na nagpapatunay naman na miyembro ng Guardian Philippines ang Pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, sumali siya noon sa grupo ni dating army colonel at ngayon ay Senator Gringo Honasan kaya kung ang tattoo aniya ang magiging basehan ni Senator Antonio Trillanes para sabihing miyembro ng triad ang kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay parang hindi ito nag-iisip.


Kasabay nito ay pinayuhan ni Pangulong Duterte si Trillanes na ipa-decode na rin ang mga tattoo ni Senator Gringo Honasan dahil baka kasapi rin ito sa isang malaking grupo ng mga gumagawa ng iligal sa bansa.

Facebook Comments