Manila, Philippines – Nakahanda umano si Pangulong Rodrigo Duterte na sabayan ang plano ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na pagdedeklara ng unilateral ceasefire.
Ayon sa Pangulo – walang problema sa kanya kung mauna ang komunistang grupo o sabay na lang sa gobyerno ng Pilipinas sa pagdedeklara ng ceasefire.
Aniya, handa niyang gawin ang lahat at magpasensya para lang makamit ang kapayapaan sa bansa.
Iginiit ng Pangulo na mandato niyang magsulong ng kapayapaan at hindi magdeklara ng giyera laban sa sariling mamamayan.
Nakatakdang bumalik ang National Democratic Front (NDF) at government peace panel sa negotiating table sa Abril 2 para sa pagpapatuloy ng peace talks.
Facebook Comments