Supplemental impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte, minaliit lang ng Malakanyang

Manila, Philippines – Minaliit lamang ng Malakanyang ang supplemental impeachment complaint na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Cousel Salvador Panelo – walang saysay ang nasabing reklamo na para lang sa propaganda at publisidad ni Alejano.

 

Dagdag pa ni Panelo – maituturing second impeachment complaint ang isinampa ni Alejano na paglabag sa one-year prohibition sa pagsasampa ng impeachment complaint.

 

Una ng binatikos ni Pangulong Duterte mismo ang naunang impeachment complaint na inihain ni Alejano.


Facebook Comments