Pangulong Rodrigo Duterte, hindi makakadalo sa PNP Change of Command; Retirement honors ni PNP Chief Cascolan, pangungunahan ni DILG Sec. Año

Photo Courtesy: PCOO

Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing Change of Command ceremony at retirement honors ni PNP Chief General Camilo Cascolan.

Sa halip, pangungunahan ni Interior Secretary Eduardo Año ang seremonya para sa pormal na pagpalit sa pwesto ni incoming PNP Chief Major General Debold Sinas.

Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Ysmael Yu, handa na ang PNP sa event at hinihintay na lang ang kumpas mula sa Malacañang.


Mahigpit na ipatutupad ang quarantine protocol at limitado lamang ang makakadalo.

Isasagawa ang seremonya mamayang alas 2:00 ng hapon sa PNP Multi-Purpose Hall sa Camp Crame.

Si Sinas ang kauna-unahang appointed PNP chief ni Pangulong Duterte sa labas ng tinaguriang “powerful PMA Class of 1986.”

Samantala, ngayong araw ay magpupulong din ang PNP Board of Generals para pumili ng magiging kapalit ni Sinas sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Facebook Comments