Manila, Philippines – Hindi na rin nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa parada ng kalayaan sa Quirino Grandstand kaninang alas tres ng hapon.
Kaninang umaga, hindi rin nakasiputin ang Pangulo sa flag-raising at wreath-laying ceremonies sa Rizal Park kaugnay sa selebrasyon pa rin ng ika-119 Araw ng Kalayaan.
Ito ay matapos umagahin si Duterte sa pagdalaw at pagbibigay-pugay sa ilang sundalong nasawi sa Marawi City at nakaburol sa Villamor Airbase.
Si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano naman ang kumatawan sa Pangulo.
Ipinarada sa Kalayaaan 2017 victory parade sa Quirino Grandstand ang ilang float mula Luzon, Visayas at Mindanao.
DZXL558
Facebook Comments