Bomb expert ng grupong Maute na si Mohammad Noaim Maute – huli sa Cagayan De Oro City

Manila, Philippines – Na-aresto ng martial law special action group ang wanted na Maute bomber na si Mohammad Noaim Maute alyas Abu Jadid sa Cagayan De Oro City.

Sa interview ng RMN kay martial law Special Action Group Western Command Brig. Gen. Gilbert Gapay – nahuli si Abu Jadid kaninang alas 5:30 umaga sa kanyang safe house sa Sta. Cruz, Barangay Macasandig.

Ayon kay Gapay – gumamit ang suspek ng pekeng student I.D. ng mindanao State University sa ilalim ng pangalang Alfaiz Mamintal.


Pero sa kanilang pagbeberipika, nakumpirma na ang suspek ay ang nasa larawan ng wanted persons ng Cagayan De Oro City police.

Aniya, isinasa-ilalim na sa imbestigasyon ng intelligence division ng PNP-region-10 sa Camp Alagar si Abu Jadid na isang teacher by profession.

Noong Sabado, nagbabala ang pulisya sa mga residente sa nasabing lungsod hinggil sa presensya ng dalawang Maute bombers.

Kabilang sa tinukoy ang nahuling si Abu Jadid at ang pinaghahanap na si Mohammad Reza Kiram alyas Abdulrahman.

Facebook Comments