Hindi sang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang muling pagbubukas ng klase hanggang walang natutuklasang gamot o bakuna laban sa COVID-19.
Sa kaniyang public address, iginiit ni Pangulong Duterte na walang saysay na talakayin ang class resumption kung hindi naman magagarantiya ang kaligtasan ng mga mag-aaral.
Pero kumpiyansa ang Pangulo na magiging available ang COVID-19 vaccine sa katapusan ng taon.
Hinimok muli ni Pangulong Duterte ang publiko na sundin pa rin ang health precautions tulad ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, at social distancing.
Matatandaang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang proposal ng Department of Education (DepEd) na buksan muli ang klase sa August 24, 2020 at matatapos sa April 30, 2021.
May ipatutupad ding learning modes, tulad ng face-to-face, blended learning, distancing learning, homeschooling, at iba pa.