TOKYO, JAPAN – Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyanteng hindi natutuwa sa kanyang mga pahayag na magsilayas sa bansa.Reaksyon ito ni Duterte sa pahayag ni US State Department Assistant Sec. Daniel Russel na ang mga komento ng Pangulo ay nagdudulot ng pagkabahala sa business communities.Sinabi ni Pangulong Duterte, malaya magsilayas ang mga negosyante at magtitiis ang Pilipinas.Nakatitiyak aniya itong makakarekober at makakabangon ang bansa lalo pa’t subok na sa pinakamasamang panahon sa mundo.Maging ang pahayag ni Russel na ang pagbabalik ng magandang Philippines-China relations ay hindi dapat makompromiso ang US ay binanatan din ng Pangulong Duterte.
Facebook Comments