Hindi payag si Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang buong bansa sa Modified General Communicty Quarantine o MGCQ at hindi rin sya pabor sa face-to-face classes.
Ayon kay Senator Christopher Bong Go, nais ni Pangulong Duterte na maisagawa muna ang pagbabakuna laban sa COVID 19.
Sabi ni Go, naniniwala si Pangulong Duterte na hindi makabubuti sa kapakanan ng buong bansa ang pangkalahatang pagpapatupad ng MGCQ hangga’t hindi nag-uumpisa ang pagbabakuna.
Paliwanag pa ni Go, hindi kaya ng konsensya ng Pangulo na may mangyaring masama kapag hinayaan sa MGCQ ang buong bansa at ang pagbubukas ng mga paaralan habang wala pa tayong COVID-19 vaccine.
Binanggit ni Go na tiwala si Pangulong Duterte na mauunawaan ng mamamayang Pilipino at economic managers ang kasalukuyang sitwasyon.