Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang kasapi ng Asia-Pacific Economic Cooperation na labanan ang patuloy na epekto ng climate change.
Sa kaniyang mensahe sa 2021 APEC Business Advisory Council Dialogue with Economic Leaders, nanawagan ang pangulo na kailangan ng developing countries gaya ng Pilipinas na gawin ang kanilang matagal nang komitment sa paglaban sa global warming.
Aniya, kabilang dito ang climate financing, technology transfer at capacity-building.
Paliwanag nito, ang mga developing countries gaya ng Pilipinas ang may pinakakaunting kontribusyon sa climate change pero pinaka-apektado kumpara sa mga mas mayayamang bansa.
Maliban dito, iginiit din ni Duterte ang pangangailangang palakasin ang risk management systems, mas maayos na pagtugon sa climate change, mitigation measures at suporta sa vulnerable communities ng APEC communities.