Pangulong Rodrigo Duterte, hinimok ang iba’t ibang lider ng bansa na suportahan ang COVAX facility; pagsasagawa ng booster shots, maituturing na hindi patas para sa lahat

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang lider ng bansa na suportahan ang COVAX facility.

Kasabay ito ng paglahok ng pangulo sa 76th session ng High Level General Debate ng United Nations General Assembly na ipinalabas sa Pilipinas kaninang alas-4:00 hanggang alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa pamamagitan ng COVAX faclity ay mas maraming buhay ang maililigtas.


Habang hinikayat din ng pangulo ang mga kapwa niya lider na kondenahin ang planong pagsasagawa ng booster shots ng ilang mayayamang bansa sa mundo.

Sa halos dalawang-taon na kasing epekto ng pandemya, lumalalim ang hindi pagiging patas ng sitwasyon.

Ang United Nations General Assembly ay dinaluhan ng 192 lider mula sa iba’t ibang bansa.

Pinangunahan ito ni incoming 76th United Nations General Assembly President Abdulla Shahid ng Maldives.

Facebook Comments