Pangulong Rodrigo Duterte, humingi ng pang-unawa kaugnay ng nagpapatuloy na digmaan sa Marawi City

Manila, Philippines – Humingi ng pang-unawa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga residente sa mga lalawigan ng Lanao at sa mga Moro kaugnay ng nagpapatuloy pa rin na digmaan sa Marawi City.

Paliwanag ng pangulo, hindi naman niya talaga gustong makipagdigmaan sa sarili niyang mga mamamayan.

Ayon sa pangulo, nakakapagod na rin ang nangyayaring gulo sa Marawi City, kaya ipinangako niya na ginagawa ng militar ang lahat ng kanilang makakaya para tapusin na ito sa lalong madaling panahon.


Tiniyak rin ng pangulo sa mga residente na nakahanda na ang pamahalaan na tulungan ang mga naapektuhan ng gulo, partikular na ang mga mahihirap.

DZXL558

Facebook Comments