Ibinida ni Pangulong Rodrigo Duterte ang freedom of expression at malayang pamamahayag sa Pilipinas sa democracy summit na inorganisa ni US President Joe Biden.
Iginiit ni Duterte na buhay at namamayaning na-oobserbahan ito sa ating bansa.
Sa kabila nito, aminado naman si Duterte na hindi perpekto ang sistema ng gobyerno sa bansa kung saan patuloy na kinakaharap ang isyu sa Corruption, Poverty at Peace and Order.
Bnigyang-diin ng pangulo na kailangan ng kapayapaan para sa maayos na demokrasya.
Tiniyak naman ni Duterte na magiging mapayapa at mapagkakatiwalaan ang halalan sa 2022.
Facebook Comments