Pangulong Rodrigo Duterte, ikinokonsidera ang rekomendasyon ng DA na magdeklara ng National State of Calamity dahil sa epekto ng ASF sa bansa

Ikinokonsidera ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA) na magdeklara ng National State of Calamity dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF) outbreak.

Kasunod naman ito ng natanggap na liham ni Agriculture Secretary William Dar mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpapahayag na posibleng maglabas ng desisyon ang Punong Ehekutibo ngayong araw.

Nakuha na rin ng DA ang endorsement mula sa National Disaster Risk Reduction Management Office kaugnay sa pagdedeklara ng state of calamity upang magkaroon ng pondo na pantulong sa mga hog raiser.


Facebook Comments