Navotas Cong. John Rey Tiangco, nagpositibo sa antigen test

46

Inamin ngayon ni Navotas Rep. John Rey Tiangco na positibo siya sa COVID-19 sa antigen test na kanyang isinagawa.

Sa Facebook post ng kongresista, sinabi nitong sasailalim siya agad sa RT-PCR swab test upang makatiyak sa resulta.

Agad aniya siyang nag-quarantine nang magpositibo sa antigen test at kasalukuyan namang maayos ang kanyang pakiramdam.


Pinayuhan din ni Tiangco ang mga nakasalamuha na magpa-test na rin agad para sa kanilang kaligtasan.

Libre aniya ang RT-PCR swab test sa Navotas kaya makipag-ugnayan lamang sa kanilang barangay o health center.

Facebook Comments