Pangulong Rodrigo Duterte, Inabsuwelto Ng Ombudsman Sa Pagtatanggol Nito Sa Mga Pulis Na Sangkot Sa Espinosa Killing

MANILA – Walang nakikitang mali si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagdepensa nito sa mga pulis na dawit sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.Ayon kay Morales, pawang pahayag lamang ang iginiit ni Pangulong Duterte na hindi nito hahayaang makulong ang mga ito.Pero ibang usapin na aniya kung anong aksyon ang gagawin ng Pangulo para protektahan ang mga pulis.Matatandaang ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang grupo nina Supt. Marvin Marcos kasunod ng inilabas na report ng NBI na rubout at hindi shoot out ang nangyari sa paghahain ng search warrant sa selda ni EspinosaSi Marcos ang pinuno ng CIDG region 8 na naghain ng search warrant kay Espinosa.

Facebook Comments