Pangulong Rodrigo Duterte, inako ang responsibilidad sa pagbili ng medical supplies para sa pagtugon sa COVID-19

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaako niya ang responsibilidad sa pagbili ng medical supplies sa paglaban ng pamahalaan sa COVID-19.

Sa kanyang public address, aminado ang Pangulo na ipinag-utos niya kay Health Secretary Francisco Duque III na pabilisin ang pagbili ng supplies na kailangan sa COVID response, anuman ang halaga nito.

Sinabi ni Pangulong Duterte na naiipit sila sa sitwasyon.


Hindi mahalaga sa kaniya kung saan kukuha ng pondo para sa pagbili ng medical supplies.

Gayumpaman, pinagsabihan na ng Pangulo ang National Bureau of Investigation (NBI) na siliping mabuti ang alegasyon ng overpriced testing kits.

Facebook Comments