Pangulong Rodrigo Duterte – Inihayag Na Posibleng Hindi Na Nito Matapos Ang Kanyang Termino Sa 2022

2

MANILA – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring hindi na nito matapos ang kanyang termino sa 2022.Sa kanyang pagharap sa nasa 1,000 Overseas Filipino Workers sa Phnom Penh sa Cambodia Kagabi – sinabi ni Pangulong Duterte Na matanda na siya at hindi tiyak kung narito pa siya sa katapusan ng kanyang termino kung saan ay edad 77 na siya.Magugunitang sa kanyang pagharap sa business leaders noong gabi ng Lunes, sinabi nitong nakakaranas siya ng spinal, migraine at buerger’s disease o pamamaga ng mga ugat na nakukuha sa paninigarilyo.Paulit-ulit ding sinasabi ni Pangulong Duterte na hindi siya nababahalang mapatalsik o mapatay lalo sa gitna ng maigting nitong kampanya laban sa iligal na droga.

Facebook Comments