Kolumnistang Si Mon Tulfo – Mariing Itinanggi Na Sa Sangkot Din Sya Sa Suhulan

9

MANILA – Itinanggi naman ng kolumnistang si Mon Tulfo na binigyan din siya bilang bahagi ng perang suhol umano ng gambling operator na si Jack Lam.Una nang kasing sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Al Argosino, kabilang sina Tulfo at dating police Gen. Charles Calima sa mga nakihati sa pera.Sinabi ni Argosino – binisita siya ni Calima noong a-uno ng Disyembre para hingan ng 18-million pesos para mapartihan din sina Wally Sombero at Tulfo.Pero giit ni Tulfo, bakit nito ibubulgar ang tungkol sa suhulan kung tumanggap din siya ng pera.Balak naman ng kolumnistang sampahan ng kaso sina Argosino at Michael Robles.

Facebook Comments