Manila, Philippines – Kinampihan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Pangulong Rodrigo Duterte sa deklarasyon nito ng martial law sa Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa induction ceremonies ng 52nd Inner Wheel Clubs of the Philippines sa Makati City, sinabi ni Arroyo na bilang presidente ng bansa, may mga alam at may mga impormasyong hawak si Duterte na hindi alam ng nakararami.
Kaya sa halip na kwestyunin ang martial law, mas makabubuti aniyang magtiwala na lamang ang publiko sa Pangulo dahil alam niya ang kanyang ginagawa at kung ano ang mas makabubuti sa bansa.
Pabor din si Arroyo sakaling palawigin pa ni Duterte ang dalawang buwang martial law sa Mindanao.
Facebook Comments