Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kaniyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).
Ito ay kasunod ng panukala ng mambabatas na ipagbawal ang political dynasties sakaling buwagin ng pamahalaan ang oligarkiya sa bansa.
Inakusahan ni Pangulong Duterte si Drilon na ipinagtatanggol ang pamilya Lopez, na itinuturing niyang mga ‘oligarchs.’
Tinawag ding ‘hypocrite’ ni Pangulong Duterte si Drilon.
Hinala rin ng Pangulo na bahagi si Drilon sa ACCRA law firm na siyang bumuo ng kwestyunableng water concession agreement.
Mariing itinanggi ni Drilon na dinedepensahan niya ang pamilya Lopez at iginiit na ipinagtatanggol lamang niya ang press freedom at 11,000 manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya.