Positibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikilahok ng Pilipinas sa clinical trials ng bakuna para sa coronavirus disease sa huling kwarter ng 2020.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, umaasa ang Pangulo na maraming buhay ang masasagip kapag nagkaroon na ng bakuna.
Ang Department of Science and Technology (DOST) ay inatasang manguna sa paghahanda para sa clinical studies, kabilang ang pagtukoy sa study sites at paghahanap sa mga researchers, pagtulong sa mga local participating institutions para sa kanilang proposal at budget, pagkuha ng approval mula sa ethics board, at pagsasapormal ng mga kasunduan.
Matatandaang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang rekomendasyon ng DOST para sa pakikilahok ng Pilipinas sa clinical trials para sa COVID-19 vaccines.