Antabayanan ngayong gabi ang panibagong ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nasa kanyang hometown sa Davao City si Pangulong Duterte.
Matatandaan nitong weekend, nagtungo ang Pangulo sa Zamboanga at kinausap ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) Western Command hinggil sa umano’y Jolo, Sulu misencounter bago dumiretso sa Davao.
Buong linggo aniyang nasa Davao ang Pangulo.
Maliban kay Pangulong Duterte, mag-uulat din sina Health Secretary Francisco Duque III, COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Defense Secretary Delfin Lorenzana at si Roque.
Wala namang aasahang panibagong community quarantine classification dahil sa July 15, 2020 pa ito nakatakdang magtapos.