Magpapatawag ng full cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, December 14, 2020.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa ngayon ay hindi pa niya alam ang agenda ng cabinet meeting, pero kaniya itong sasabihin bago ang kaniyang press briefing sa Lunes ng tanghali.
October 12 ng taong ito nang huling magpatawag ng full cabinet meeting ang Pangulo.
Sa regular na sitwasyon ay nagpapatawag ang Pangulo ng full cabinet meeting kada buwan.
Pero ayon kay Roque, dahil na rin sa pandemya ng COVID-19 sa bansa ngayong taon ay hindi naging madalas ang pagpapatawag ng Pangulo ng cabinet meeting.
Hindi kasi aniya kuntento ang Pangulo kung gagawin lamang sa via Zoom o online ang cabinet meeting dahil mas gusto aniya nito na makaharap at personal na makausap ang kaniyang gabinete.