Pangulong Rodrigo Duterte, may babala sa mga mayor na sangkot sa iligal na droga

103

Tatlong paraan ang nakikita ng Pangulong Rodrigo Duterte para patayin ang mga mayor na sangkot sa iligal na droga.

 

Ayon sa Pangulo, una ay ang pag-ambush, pangalawa ay ang ipatumba sa sniper at ang pangatlo ay pasagasaan sa six-by-six truck.

 

Iginiit ng Pangulong Duterte na desidido talaga siyang labanan ang iligal na droga hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

 

Binalaan din ng Pangulo ang pinsan ni Senador Franklin Drilon na si Iloilo City Mayor Jed Mabilog na maari itong madisgrasya kapag hindi tumigil sa operasyon ng iligal na droga.

 

Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na kasama sa kanyang listahan ng narco-politicians si Mabilog at ilan pang mga alkalde mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.




Facebook Comments