Pangulong Rodrigo Duterte, may sisibakin na namang opisyal ng gobyerno

May sisibakin na namang opisyal ng gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo.

 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nauna na itong binanggit ng pangulo sa kanyang pulong kasama ang mga negosyate kagabi.

 

Hindi naman na nagbigay ng iba pang detalye si Panelo.


 

Nito lang nakaraang linggo nang ianunsyo ng pangulo na may sisibakin siyang opisyal dahil sa isyu ng korapsyon.

 

Pinakahuling sinibak ni Pangulong Duterte ay si Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Alexander Balutan dahil sa umano’y seryosong isyu ng katiwalian.

 

Taong 2017 nang bumuo ang pangulo ng anti-corruption commission na nag-iimbestiga sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments