“Poy, ikaw ba yan?” reaksyon ni Bea Alonzo sa pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd Cruz

“Poy, ikaw ba yan?”

 

Ito ang maiksi pero makahuluhang caption ng ni Bea Alonzo sa kanyang intagram post kahapon.

 

Kalakip ng post ng aktres ang maikling silhouette video ng lalaking nakatalikod na pinaniniwalaang si John Lloyd.


 

Ang “Poy” o Popoy ay ang pangalan ng karakter ni John Lloyd sa 2007 blockbuster movie na “One More Chance” kung saan ka-loveteam niya si Bea na gumanap naman bilang Basha.

 

Pero bago ito, nauna nang umingay ang balitang magbabalik-telebisyon si John Lloyd nang ibahagi ni Piolo Pascual sa kanyang ig ang silhoutte photo naman ng isang lalaki at ang logo ng ini-endorso nitong shawarma brand.

 

Tila kinumpirma pa ito ni John Lloyd nang i-post din niya ang larawan sa kanyang facebook at instagram accounts.

 

October 2017 pa nang mag-indefinite leave ang aktor sa showbiz at ngayon ay pribadong namumuhay kasama ang girlfriend niyang si Ellen Adarna at kanilang anak.

Facebook Comments