Manila, Philippines – Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na pagkakataon ang tropa ng gobyerno sa Marawi City.
Sa larawang ibinahagi ni Special Assistant to the President Bong Go, makikita si Pangulong Duterte kasama ang mga sundalo.
Dito ay naka-fist sign ang mga ito na kasama ang pangulo kasama na rin sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Defense Sec. Delfin Lorenzana.
Bukod dito ay binisita rin ni Pangulong Duterte ang Grand Islamic Mosque na pinagtaguan noon ng Maute-ISIS at mga bihag nito bago mabawi ng militar.
Nagbigay din ng talumpati ang president at pinasalamatan ang China sa ibinigay na mga armas sa mga sundalo.
Nagpakuha rin ng litrato si P-Duterte kasama ang mga sundalo sa harap ng isang gusali na napinsala sa bakbakan.
Ayon naman kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, nasa Iligan City na ang ilang heavy equipment na gagamitin sa rehabilitasyon sa Marawi.