MANILA – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagkamali siya sa pagdawit sa tatlong pangalan sa kanyangBilibid drug matrixna inilabas noong Agosto.Sa naturang listahan, kasama ang mga pangalan nina Sen. Leila De Lima, driver nitong si Ronnie Dayan, dating Justice Undersecretary Francisco Baraan iii, Pangasinan Administrator Raffy Baraan, Retired BuCor Franklin Bucayo, Pangasinan Board Member Raul Sison at dating Pangasinan Governor at ngayoy Pangasinan Cong. Amado Espino Jr.Pero, ngayon ay nagsorry ang pangulo kina Espino, Sison at Provincial Administrator Baraan.Ayon sa pangulo, apat na beses niyang pina-revalidate ang listahan pero hindi niya makita ang malinaw na koneksyon ng tatlo sa operasyon ng droga.Gayunman, nanindigan pa rin ang pangulo na sina De Lima at Usec. Baraan ay kasama talaga sa drug matrix.Malugod namang tinanggap ni Espino ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte.Pinuri rin nito ang aniya’y katapangan ni Duterte sa paghingi ng paumanhin para linisin ang kanilang pangalan.Tiniyak naman ng mambabatas, na patuloy ang kanyang suporta sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.
Pangulong Rodrigo Duterte, Nag-Sorry – Ilang Pangalan Sa Kanyang Drug Matrix, Hindi Sangkot Sa Ilegal Na Droga
Facebook Comments