Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na nasasangkot sa ilegal na droga.
Sa kanyang talumpati sa isang Business Conference sa Maynila kagabi, sinabi ng pangulo na ang mga kriminal at pulis na nagbebenta ng mga nakukumpiskang droga ay hindi pwedeng i-monopolya ang kasamaan sa bansa.
Aniya, kaya niyang maging mas ‘masama’ kaysa sa kanila.
Babala pa ng pangulo na kaya niyang gawing mala-impyerno ang buhay ng lahat,
Ang bago tirada ng pangulo laban sa mga tinaguriang ‘ninja cops’ ay kasunod ng pagkadismaya niya sa kontrobersiya.
Maging si Police General Oscar Albayalde ay napilitang magbitiw bilang pinuno ng PNP dahil sa isyu bago ang kanyang nakatakdang retirement sa November 8 matapos maakusahang nakatanggap din ng bahagi mula sa 2013 Pampanga drug raid.
Samantala, posibleng ilabas ng Senate Blue Ribbon Committee ang report nito hinggil sa isyu ngayong araw.