Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaabot ng mensahe sa mga kababaihan kasabay ng selebrasyon ng International Women’s Day

Manila, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day,  kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang partisipasyon ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan at sektor ng lipunan sa bansa.
 
Sa inilabas na mensahe ng pangulo, tinawag niyang bayani ang mga kababaihan dahil na rin sa naipamalas nitong katapangan at hindi makasariling pagtulong sa nangangailangan.
 
Pagmamalaki pa nito, isa ang Pilipinas sa mga bansa sa asya na mataas ang ranking sa usapin ng gender equality.
 
Tiniyak naman ni Pangulong Duterte na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat para mapanatili ang pagkilala sa kababaihang Pilipino ng buong mundo gaayundin ang mahahalagang papel ng mga ito sa larangan ng sports, science, governance, education, public service at arts.
 
Hiling din ng pangulo na patuloy na maging instrumento ng pagbabago ang mga kababaihan sa iba’t ibang larangan.

 

Facebook Comments