Pangulong Rodrigo Duterte, nagpaabot ng pakikiisa sa pagdiriwang ng pasko

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kristyanong nagdiriwang ng kapaskuhan ngayong araw.

Panawagan ng pangulo – sana ay maalala ng mga pinoy ang mga kababayang nangangailangan para maging instrumento ang lahat ng pagbuti ng buhay ng kapwa.
Ngayon aniya ay ipagdiwang ang pagkabuhay ni kristo sa paghanap sa puso sa tunay na diwa ng kaniyang kapanganakan at pagsasabuhay sa pagmamahal ng maykapal.
Bukod sa pangulo, nanawagan din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na alalahanin ang mga taong naghihirap sa kasalukuyan bunsod ng mga kalamidad.
Iginiit ng Cardinal ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kabaitan sa isa’t-isa upang mapalawig pa ang mga katuruan ng diyos nang sa gayon ay maranasan ng tao ang totoong kapayapaan at kaligayahan.

Facebook Comments