Pangulong Rodrigo Duterte, nakabalik na ng bansa matapos ang state visit sa Myanmar at Thailand…katahimikan at kapayapaan ng bansa, hiling ng pangulo sa kanyang kaarawan

73
Manila, Philippines – Wala ng mahihiling pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa nalalapit nitong kaarawan sa March 28 kung saan 72-years old na ito.
 
Sa kanyang arrival speech sa Davao City International Airport mula sa official visit sa Myanmar at Thailand, pabiro nitong sinabi na tapos na ang kanyang birthday noon pang March 14.
 
Ayon sa pangulo, wala na siyang materyal na hiling dahil nakuha na niya ang lahat maliban na lamang sa kapayapaan at katahimikan ng bansa.
 
Anya, ipagdarasal din niya pa bigyan pa siya ng madaming oras sa pamilya at pangangatawan dahil hindi biro ang pagiging pangulo.
 
Sa mismong araw ng kaniyang kaarawan, sabi ng pangulo mas pipiliin niyang
Ipagdiwang ito ng simple kasama ang kanyang mga apo.


Facebook Comments