Ginarantiyahan nina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senator Ronald “Bato” dela Rosa na nananatili ang suporta ng mga aktibo at retiradong sundalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ito ni Lacson dahil bilang Chairman ng Committee on National Defense and Security ay nakakausap niya ang high ranking military officers.
Batid ni Lacson na may ilang mga reklamo sa hanay ng mga sundalo pero hindi ito magreresulta sa pagbawi ng suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Duterte.
Giit naman ni Senator Dela Rosa, hindi na mauudyukan ang mga sundalo ng mga nagtatangkang magpatalsik kay Pangulong Duterte.
Paliwanag ni Dela Rosa, natuto na ng leksyon ang militar sa mga nakalipas na tangkang destabilisasyon o pagpapatalsik sa naka-upong pangulo.
Katwiran pa ni Dela Rosa, hindi makatutulong at sa halip ay makakagulo pa ngayong may pandemya ang panawagang pagbibitiw o pagpapatalsik sa Presidente ng bansa.