Pangulong Rodrigo Duterte, nanawagan ng mapayapang kilos protesta

Manila, Philippines – Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga raliyista na gawing mapayapa ang gagawing kilos protesta ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang bigyan ng pagkakataon ang lahat na ipahayag ang kanilang sentimyento sa pamamagitan ng lansangan.

Gagamitin din aniya niya ang araw na ito para ihayag ang kanyang protesta ang umano’y nagsasagawa ng pagkilos laban sa kayang liderato.


Kabilang na rito ang laban sa korapsyon at pagbatikos sa giyera kontra droga.

Bibigyan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakataon na magsagawa ng rally ng ilang araw gamit ang makasaysayang EDSA.

At kapag lumala ito ay handa siyang mag-sumite ng resignation letter sa kongreso.

Facebook Comments